Wednesday, April 23, 2008

makikilala mo na siya

Bago na ang lay-out at title ng blog na ito, maging ang quote na ginamit ay bago rin. Babaguhin na rin ng may-akda ang wika ng kanyang pagsusulat ng entries. Simula ngayon ay Filipino na ang gagamitin niyang medium (huwaw). Matagal na niyang balak gawin ito ngunit ngayong summer lang siya nagkaroon ng panahon na pagtuunan ito ng pansin. At oo, inaamin niya, nauubusan na rin kasi siya ng English, pati tissue dahil sa kanonosebleed sa pag-i-Ingles.

Ang susunod ay ang pinakamahaba at pinakabagong About Me ni Joanna.

  • Mahilig siyang magsabi ng period, exclamation point, question mark at dot dot dot pagkatapos magsalita para hindi malito ang kanyang kausap pero kapag ginaya na siya ay itinitigil na niya ito dahil siya naman ang nalilito.
  • Naniniwala siyang hindi na dapat pang ipilit na i-Tagalog ang mga English phrases na hindi bagay. Tulad ng: "Catch me if you can." -> "Saluhin mo ako kung kaya mo." Nawawalan ng dating. Gayundin ang mga kataga sa Filipino na nawawalan ng dating kapag isinalin. Tulad ng: "Saging lang ang may puso!" -> "Only a banana has a heart!" Ngek, ano daw sabi?
  • Ngunit naniniwala siya na ang English ng "Naiinitan ako!" ay "I'm so hot!"
  • Mayroon siyang blog na nasa wikang Ingles at may totoong William siyang kakilala na nagko-comment dito.
  • Gusto niya ang lasa ng Lucky Me spaghetti.
  • Hindi pa siya nakakasakay sa likod ng tricycle at wala siyang balak na subukan ito.
  • Noong Grade six at First year high school ay nagsulat siya ng dalawang pocketbooks na wala siyang balak na ipabasa kanino man.
  • Kapag wala siyang magawa ay natutulog siya.
  • Paborito niya ang color blue.
  • Noong bata siya, mayroon siyang sinusubaybayang Chinese drama series na walang English subtitle pero naalala niyang naiintindihan niya ang kuwento at inaabangan ito kahit hindi siya marunong magsalita ng Chinese.
  • Paborito niya sina John at Igi Boy ng GoingBulilit at tawang tawa siya sa episode nilang Paltos.
  • Mahal niya ang Backstreet Boys at una niyang naging crush si Nick Carter bago sila nagkatagpo ni Aaron Carter.
  • Paborito rin niya ang Simple Plan at ipinagmamalaki niyang alam niyang i-pronounce ang pangalan ng lead vocalist na si Pierre Bouvier.
  • Pinaninindigan niyang hindi siya naging F4 fanatic kahit may poster, pictures, teks, magazine, vcd, handkerchief at mousepad siya na may mga mukha ng mga ito.
  • Simula nang ipalabas ng GMA ang Endless Love kung saan sumikat sina Jenny at Johnny, naging panatiko na siya ng Koreanovelas.
  • Sa Endless Love, crush niya ang batang aktor na gumanap sa teenager version ni Johnny at crush din niya si Andrew.
  • Ang mga sinubaybayan niyang Asianovelas ay: Endless Love, Love Letter, Lavander, Meteor Garden 1, Meteor Garden 2, Full House, Frog Prince, Gokusen 1, Kim Sam Soon, It Started With A Kiss, Comeback Soon-ae, Coffee Prince, Lovers, at Hana Kimi.
  • Hindi niya nasubaybayan ang Attic Cat at Marrying A Millionaire pero gusto rin niya ang mga ito.
  • Una siyang nahumaling sa Dragon Ball Z kung saan naging crush niya sina Goku at Trunks pero masyado itong mahaba.
  • Kaya sumunod ang Ghost Fighter kung saan nalulong siya sa pangongolekta at paglalaro ng teks at nagkaroon ng crush kay Dennis at sa may long black hair na amo ni Taguro iyong medyo loveteam ng ate ni Alfred.
  • Nagustuhan niya ang basketball dahil sa Slam Dunk kung saan crush niya ang naka-glasses na team mate ni Rukawa.
  • Gusto niya ang Doraemon at Mojacko pero wala siyang crush sa mga ito.
  • Mayroon siyang DVD ng sampung season ng F.R.I.E.N.D.S. at paborito niyang manood ng F.R.I.E.N.D.S. bloopers at interviews sa youtube.
  • Bukod dito, pinapanood din niya ang videos nina Brad Pitt at Jennifer Aniston sa youtube dahil naniniwala siya na bagay sila.
  • Dahil dito, malamang magiging paboritong kanta niya ang You Were Mine ng Dixie Chicks.
  • Bago nito, akala niya ay kanta ng Dixie Chicks ang Cheekee Song. Kanta pala ito ng Cheekee Girls.
  • Kahapon lang niya nalaman na ang paborito niyang si Jennifer Aniston ay may second name na Joanna, katulad niya.
  • Bukod sa series na F.R.I.E.N.D.S., paborito rin niya ang Grey's Anatomy kung saan may kumpleto siyang DVD collection at paulit ulit na pinanonood ang unang pagpapakita ni McSteamy, wohoo!
  • Para sa kanya mas bagay sina Izzie at Karev, O'Malley at Torres, McSteamy at Addison, at siyempre McDreamy at Meredith.
  • Gusto niya ang Eureka Season 1 at 2 kung saan crush niya si Nathan.
  • Kahit laging kulang sa damit si Miaka, favorite anime niya ang Fushigi Yuugi kung saan crush niya si Hotohori.
  • Gusto rin niya ang Detective Conan at crush niya si Conan na matangkad.
  • Kasalukuyan niyang isinusulat sa notebook ang blog entries niya simula noong Sunday, February 2, 2003 9:02 pm para mabasa niya ito anytime, anywhere. At kasalukuyan din niyang napagtatanto na masakit pala sa kamay ang pagsusulat ng entries na lampas one hundred pages.
  • Crush siya ni Harry pero sinabi niyang kaibigan lang ang tingin niya dito at dahil naka-oo na siya kay William.
  • Paboritong aktres niya si Sandra Bullock kaya lang nahihirapan siyang i-pronounce ang apelyido nito kaya madalas ang sagot niya sa tanong na "Who's your favorite actress?" ay: "Sandra B." Tapos pag di magets ng nagtatanong, idudugtong niya: "Yung Miss Congeniality." Tapos sasabihin ng nagtatanong: "Ah ok." O di ba, nagets din?
  • Naniniwala siyang dapat ibalik ang tambalang Juday at Wowee.

No comments: